Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Enero, 2018

"Rosas"

Imahe
                                                                                                                                                                                                                                          "Rosas"                                                                                                                                                                                                                               Ang   rosas   (Aleman, Ingles:   rose , Pranses:   rosier , Espanyol, Portuges:   rosa ) ay isang namumulaklak na   palumpong   sa   saring   Rosa , at ang   bulaklak   ng palumpong na ito. Mayroong mga higit sa isang daang   mga uri   ang mga ligaw na rosas, matatagpuan lahat sila sa hilagang hemispiro at kadalasan sa mga rehiyong may katamtamang klima.
Imahe
"Dama de Noche" Ang  Dama de Noche  ay sikat dahil sa kakaiba nitong pagtubo, na naging paksa rin ng isang  alamat . Ang mga bulaklak nito ay namumukadkad sa gabi at naglalabas ng napakatamis na halimuyak. Ang bulaklak na ito ay unang pinalago sa tropikal na bahagi ng Amerika, pero ngayon ay itinatanim at pinapalago na rin sa  Pilipinas .
Imahe
"Everlasting" Kilala rin sa tawag na paper daisy o straw flower, ang everlasting ay bulaklak na simbolo ng  Baguio City . Mga tali ng ganitong bulaklak ay binebenta sa mga palengke at kalsada ng "Summer Capital" ng Pilipinas. Dahil sa tagal ng buhay ng everlasting, paborito ito ng mga deboto na isabit sa kanilang mga altar.
Imahe
"Sampaguita" Ang  "Sampaguita" , likas sa mga tropikal na bahagi ng  Asya , ay ang pambansang bulaklak ng  Pilipinas . Ang malilit ngunit mabangong bulaklak na ito ay ginagawang mga kwintas na ginagamit bilang alay ng pagtanggap o simbolo ng parangal sa mga kilalang tao o mga taong may mataas ang katungkulan. Ang mga binebentang sampaguita sa kalsada ng  Maynila  ay ginagawang dekorasyon sa mga sasakyan o kaya naman ay inuuwi ng mga Katolikong deboto upang isabit sa kanilang altar. Bukod sa pagiging palamuti, ang bulaklak ay ginagamit na alternatibong medisina ng mga Pilipino. Ginagamit ang sampaguita bilang pampakalma, anestisya at gamot sa sugat.

Iba't-ibang Uri ng Bulaklak

Imahe
"Ylang-ylang" Ang  "Ylang-ylang"  ay nagtataglay ng halimuyak na naiiba. Sa katunayan, ang langis na nakukuha sa bulaklak na ito ay nagagamit sa  aromatherapy , at sinasabing nagdudulot ng ginhawa mula sa sakit sa puso at mga problema sa balat. Ang puno ng ylang-ylang ay likas sa Pilipinas at madalas tumubo sa mga bahagyang asidikong lupa. Ang bulaklak nito ay kulay dilaw-luntian at kahugis ng isang bituin.